just this crazy stories of girl learning how to survive this somewhat cruel world... and finding happiness i think...

Wednesday, August 30, 2006

mukmok sa sulok

alipin ng katahimikan
sa mundong walang muang
nakatingala sa ulap
nababalot sa kawalan
nagmumukmok sa walang hanggan

ano't walang masabi
bakit naging pipi
dati'y parang banda
na umaarangkada
ngayo'y isang banda
nakakulong sa beranda

munting tinig ko'y nawala
naglahong parang bula
nakakulong sa mundong mangmang
puno ng pasakit at kawalanghiyaan

saan matatamo ang katahimikang nais
kung ang lawa'y ko'y napanis
pano ko isusumbat na "tama na! sobra na!
kung ang tanging masambit ay....
bahala na... sh*t


yan ang ginagawa ng mga taong walang magawa habang nasa loob ng library at kunyaring nagrereview para sa asignaturang kemika... wag niyo akong sisihin kung medyo malalim itong aking naisulat... nahawa lamang po... ipagpaumanhin...



0 Comments:

Post a Comment

<< Home