realidad
kahapon nagpunta ako sa U.P. para kumuha ng UPCAT sa diliman, (kahit na mas malapit ang los banos samin)
at dahil dun marami akong napagmuni-munihan at napagtanto ko na maswerte parin talaga ako...
MUKHA NG UP...
alas siyete ng umaga natagpuan ko ang sarili ko sa loob ng dunkin donut's store sa may pacita(sa labasan) nagrereview(kunawari) at hinihintay ang matagal dumating na si max (kaibigan ni ate na hindi ko alam kung magkaibigan lang ba talga sila o.... ewan ayoko magsalita) sa wakas dumating na siya kumain muna ako ng strawberry filling na donut bago kami umalis (tita ko xe manager dun kaya libre isang box para sakin heheheh...) nang umakyat na kami sa BUS ang lamig PU**A!! pero aus lang dahil nakatulog naman ako nung una sinusubukan ko pa magsolve ng math pero nahilo ko at nalaman ko na lang na ginigising ako ni ate dahil malapit na kaming bumaba sa may buendia. dun kami sumakay sa mrt na malapit sa village ng mga taong sobrang mahihirap... sa sobrang hirap nila puros OPEL, JAGUAR, PAJERO, atbp pang mga kotse ng mga taong pang mahihirap... sa kabaliktaran. sumakay na kami sa mrt ayos dahil linggo at walang rush hour hehehe... maluwag. bumaba kami may quezon ave. at kumain sa may 7 eleven (muntik na ngang masapak ni ate yung batang inagawan siya ng chuckie) ahihihi... pagkatapos ilang oras kaming nagtanong sa loob ng up kung san ang math building nang nakita ko na nagdalawang isip tuloy ako kung gusto ko pang magaral dun... parang isang buong village... sa kabilang banda ilang minuto lang naman ang hinintay ko para makakuha ng test. nung nandun na ko sa loob ang daming applicante tapos nang magsisimula na yung ibang ka-rum ko ang daming dalang pagkain tapos ako ang dala ko lang halls na raspberry...( hindi ko alam kung panong nakukuha pa nilang kumakain habang nagiisip... siguro hindi lang talga ako talented pagdating sa ganun) meron isa dun hindi ko alam kung talgang matalino lang siya o hinuhulaan niya ang mga sagot kase... ang bilis niyang matapos sa isang subject... tapos kakain bigla... hindi ko nga alam kung nabubusog siya... pagkatapos magtest kumalam na ang tiyan ko at sandaling hinintay ang aking butihing kapatid... tapos kumain kami sa henlin malapit ulit sa may mrt.... nakakapagod!!!!
katas ng liempo sabaw ng pawis..... ni kapatid
pero hindi pa tapos yun pumunta pa kami sa opisina ng kuya ko na pinapalakad nilang magkakaibigan(si mr. techie-glitch) tapos kumain ulit ng liempo nagresearch kunwari at konti tapos umuwi na kami ng bandang 11 ahihihi tapos nun... naiisip ko
hindi lahat ng tao nakakapagaral at hindi lahat ng tao nakakakuha ng test sa up kaya sinasabi ng mga magulang ng mga nakakapagtest na galingan nila.. sana nandun din parents ko nung nagtake ako ng exam.
hindi lahat ng tao nakakakain ng tatlong beses isang araw kaya dapatkung kakain ka lubusin mo na at magpasalamat ka at nakakain ka.
maybe telling this things would not change the society we live in but at lease i could share something tha ti hope the future generaiton would come to realize.... they have to change, do something to ahve a better place to live.