just this crazy stories of girl learning how to survive this somewhat cruel world... and finding happiness i think...

Thursday, December 07, 2006

suLyap sa Mundong Magulo...

mainit ang sikat ng araw na nakangiting nagpapaalam sa dapithapon.... pinipilit itago ang kaguluhan sa mundong ito... sa siyudad magulo, lahat ng tao ay walang panahon para tignan kahit saglit ang magandang ulap na gawa ng diyos nababalot ng usok ang bawat sulok puno nang salot na naghihintay sumulpot....


nang mga nakaraang araw marami akong nasulyapang aktibidades ng mga tao.. ito ang mga sumusunod...


  • ma-mang ice tea-kuno
sa isang parke sa maynila nakulong ako sa buhol-buhol na trapiko at ilang minuto din tumigil ang sasakyang lulan ako. may natanaw akong isang lalaki, akala ko umiinom lang siya ng ice tea sa isang mineral bottle (naisip ko sosyal si manong, gusto may kulay) pero magulumihanan ako nang makita kong hindi gumagalaw ang ice tea niya kapag itinataas, dun ko na napansin na rugby pala yun at hindi niya iniinom kundi sinisinghot. parang normal lang ang lahat sa kanya parang araw-araw na niya itong gawain. mukha ngang wala na sa tamang pagiisip si manong dahil pagkatapos niyang amoy-amuyin ang nasa bote, bigla na lamang siyang titingin sa kawalan.

  • babaeng mataas ang upo, mababa ang lipad
nung nasa kalagitnaan na ako ng paguwi ko may nakita naman akong isang kotse na may isang babae na nakasiksik sa isang puting lalaki... waring sabik sa... alam na... katulad ata siya nung babaeng nakasabay ko sa biyahe maiksi ang suot waring walang saplot nanaisin mong bigyan ng kumot pambalot.

  • ito naman ay tungkol sa lalaking nakahiga sa isang sirang sasakyan... at sa likod niya ay pila ng mga taong tumataya sa lotto... nakakalungkot isipin, may panahon sila para tumaya pero wala silang panahon para tumulong.


pero sa kabila ng lahat ng ito, may natitira paring kabutihan sa mundong ito. pagasa at pananalig. malapit na ang pasko... isang linggo na lang simula na ng simbang gabi at ilang gabi naman ay noche buena na at ako ay wala paring regalo sa aking inaanak... haaay.... sa gabi habang ako'y pauwi natutuwa akong masdan ang makukulay ay makikislap na parol ng mga pilipino. ako ay mapalad at isa akong pilipino may parol, may po at opo sa salita at may pagmamahalan sa kabila ng kahirapan,kaguluhan at kawalan ng pagasa. sana magpatuloy pa ang lahat ng ito...


pero sana wag na magpatuloy ang mga masasamang kung ano man.... hahahahha... hindi naman natin yung kailangan para umunlad. GB~!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home