just this crazy stories of girl learning how to survive this somewhat cruel world... and finding happiness i think...

Thursday, December 07, 2006

suLyap sa Mundong Magulo...

mainit ang sikat ng araw na nakangiting nagpapaalam sa dapithapon.... pinipilit itago ang kaguluhan sa mundong ito... sa siyudad magulo, lahat ng tao ay walang panahon para tignan kahit saglit ang magandang ulap na gawa ng diyos nababalot ng usok ang bawat sulok puno nang salot na naghihintay sumulpot....


nang mga nakaraang araw marami akong nasulyapang aktibidades ng mga tao.. ito ang mga sumusunod...


  • ma-mang ice tea-kuno
sa isang parke sa maynila nakulong ako sa buhol-buhol na trapiko at ilang minuto din tumigil ang sasakyang lulan ako. may natanaw akong isang lalaki, akala ko umiinom lang siya ng ice tea sa isang mineral bottle (naisip ko sosyal si manong, gusto may kulay) pero magulumihanan ako nang makita kong hindi gumagalaw ang ice tea niya kapag itinataas, dun ko na napansin na rugby pala yun at hindi niya iniinom kundi sinisinghot. parang normal lang ang lahat sa kanya parang araw-araw na niya itong gawain. mukha ngang wala na sa tamang pagiisip si manong dahil pagkatapos niyang amoy-amuyin ang nasa bote, bigla na lamang siyang titingin sa kawalan.

  • babaeng mataas ang upo, mababa ang lipad
nung nasa kalagitnaan na ako ng paguwi ko may nakita naman akong isang kotse na may isang babae na nakasiksik sa isang puting lalaki... waring sabik sa... alam na... katulad ata siya nung babaeng nakasabay ko sa biyahe maiksi ang suot waring walang saplot nanaisin mong bigyan ng kumot pambalot.

  • ito naman ay tungkol sa lalaking nakahiga sa isang sirang sasakyan... at sa likod niya ay pila ng mga taong tumataya sa lotto... nakakalungkot isipin, may panahon sila para tumaya pero wala silang panahon para tumulong.


pero sa kabila ng lahat ng ito, may natitira paring kabutihan sa mundong ito. pagasa at pananalig. malapit na ang pasko... isang linggo na lang simula na ng simbang gabi at ilang gabi naman ay noche buena na at ako ay wala paring regalo sa aking inaanak... haaay.... sa gabi habang ako'y pauwi natutuwa akong masdan ang makukulay ay makikislap na parol ng mga pilipino. ako ay mapalad at isa akong pilipino may parol, may po at opo sa salita at may pagmamahalan sa kabila ng kahirapan,kaguluhan at kawalan ng pagasa. sana magpatuloy pa ang lahat ng ito...


pero sana wag na magpatuloy ang mga masasamang kung ano man.... hahahahha... hindi naman natin yung kailangan para umunlad. GB~!

Tuesday, December 05, 2006

ang paglipas ng panahon

malamig na ang simoy ng hangin, dumadampi sa aking mukha, maginhawa, nagbabadya na malapit na namang sumapit ang pasko , parang kelan lang, ang bilis talaga ng panahon hindi ko man lamang napansin... isang taon na pala ang nakakaraan....



ISANG TAON NA ANG NAKALIPAS mula nang huli kong tinignan ang mga bituin ng matagal, pinagtuunan ng pansin at sinilip sa isang teleskopyo. naalala ko pa noon namumugto ang aking mga mata, nagdurusa habang kumakanta ang aking pusong nangungulila, masakit, pero kelangan tanggapin. ang huling beses na narinig ko ang tinig ng dati kong buhay sa ilalim ng madilim at maulap na langit... waring nakikiramay sa nangyari.

ngunit nakalipas na ang lahat at hindi ko na nais maalala pa ang madilim na detalye. haaayyy. naku....


NGAYON ako'y magsisilbi na lamang sa KANYA, ngayong binigyan niya ako ng malaking tungkulin na alam kong hindi ko kakayanin kung wala siya.malapit na ang araw na yun pero bago pa man sumapit ang kanyang kaarawan ay nais namin siyang bigyan ng munting regalo... mula sa aming mga puso... puso ng mga kabataang naglilingkod at nabubuhay sa ngalan niya.

BUKAS ay panibagong araw sa piling niya, at panibagong araw kapiling ang mga blockmates ko... madaming assignments at maraming dapat gawin... kainis! kulang na lang lumuwa mata namin kababasa! buti na lamang at isa sa hilig ko ang pagbasa. hindi man ako napakatalino ngunit kahit papano, alam ko na nakakasunod naman ako at mataas ang performance ko (nice english!) hmmm... hindi ko na alam kung ano pang pede kong masabi.

mabuti na lamang at hindi ako nangungulila sa pagmamahal ng isang PANGET! HMP! hahahahah!